Thursday, April 03, 2008

L.P. #1: Ako ay Bilog

Isa-isa kong binalikan ang mga nakaraang larawan (2005-2007) na aking kinunan sa pamamagitan ng aking Sony Cybershot DSC-L1. Mayo 2005 nang ang kamerang ito'y iniregalo sa akin ng isa sa mga nakatatanda kong kapatid. Maliban sa kanyang paunang regalo para sa aking kaarawan sa darating na Hulyo nang taong iyon, ito raw ay akin ring "premyo" matapos kong makakuha nang isang maikling iskolarsyip sa Estados Unidos. Mas magiging makabuluhan at masaya nga naman ang aking napipintong pag-aaral noon sa iba't ibang lugar sa Amerika sa loob nang anim na linggo (Hunyo 11 - Hulyo 24) kung aking maisasa-alala ang mga lugar, bagay-bagay, at mga tao na aking nakasalamuha sa byaheng ito.

Narito ang apat na larawang may hugis bilog ~ kung saan nakatutuwang isipin na ang mga ito'y sumasalamin sa ilang aspeto nang aking katauhan. :D



Ang ceiling ng South Carolina State Legislature

Ang tinapos kong kurso noong kolehiyo ay Agham Pampulitika. Hindi nakapagtataka na ang makapasok sa ganitong institusyon sa South Carolina, USA ay muling nakapanumbalik sa aking apat na taong (1992-1996) pagsusunog nang kilay sa Unibersidad ng Pilipinas-Maynila. Ang pagbisita sa Lehislaturang ito ay nagbigay-alala rin sa aking makulay at halos tatlong taong pagseserbisyo sa Senado ng Pilipinas taong 1999-2002.

Ang lugar kung saan binaril si John Lennon

Paalis na kami mula sa maghapong pagpi-piknik sa Central Park, New York. Ilan sa aking mga kamag-aral at kaibigan mula sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila ay nagmagandang-loob na ipasyal ako sa napakalaking park na ito. Nang kami nang aking kaibigang si Dave ay papunta na sa kinaroroonan nang kanyang sasakyan, itinuro at ipinakita niya sa akin ang makasaysayang lugar na ito. Tulad ni John Lennon, ang aking puso't isipan ay mayaman sa ideyalismo. Ang kanyang awiting Imagine ay isa sa mga paborito kong kanta na may napakagandang mensahe.

Ang Xtremely Xpresso Pizza sa Subic

Kasama ang mga estudyante ko sa UPEPO (UP Extension Program in Olongapo) na pawang mga propesyonal sa kani-kanilang larangan, aming ipinagdiwang ang huling araw nang aming pasok sa restawrang ito sa loob ng Subic Freeport Zone, Zambales (ang lugar na ito ay sa dakong norte ng Luzon). Ang pizza ay isa sa mga pinakapaborito kong pagkain. Kailan kaya ulit ako makakapunta dito sa Xtremely Xpresso?


Cafe Mocha sa isang Kapihan sa Naga

Kasama ang aking ina, kamag-aral noong elementarya, at mga kaibigang pari at seminarista, kami ay nagkape at naghuntahan sa isang kapihan sa Naga City, Camarines Sur. Nakaligtaan ko ang pangalan nang kapihan na ito ngunit ang sarap nang mainit na kapeng ito ay di ko malilimutan. Ang cafe mocha ang kadalasang uri ng kape na aking ino-order sa anumang coffee shop na aking puntahan.

*****

Ito ang aking munting kontribusyon ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy. :D

14 Comments:

Blogger MrsPartyGirl said...

wow naman, ang kontribusyon sa LP, photojourn na, resume pa, haha! jk! :)

obvious from the pics na well-travelled ka ninang, hehe. so kelan ang travel mo dito sa amin? :)

missyah!

maligayang huwebes! and thanks for joining LP! :)

4/3/08, 11:50 PM  
Blogger Thess said...

Napaka impresib naman lahat ng iyong bilog! Ang ganda ng ceiling, ngayon ko lang nakita ang 'monumento' na kung saan binaril si J.L, syempre masarap ang pizza lalo na may kape! =)

Kumusta po?!

ito naman ang aking lahok

4/4/08, 12:00 AM  
Blogger Lizeth said...

gusto ko din ng cafe mocha...at grabe..ang sarap ng pizza!!! :) nakakagutom ang mga larawang bilog! tsk!

4/4/08, 8:57 AM  
Blogger Dyes said...

hi judy!

naks, ang dami mo namang entries :) at me story talaga ang mga entries mo :)

yey! nabuhay na pala uli tong blog mo. gagawin ko yung tag mo (na matagal na pala) one of these days.

ingats!

4/4/08, 11:57 AM  
Blogger Dragon Lady said...

hi dyes! honga, resurrected na naman po sa ikalawang pagkakataon itong blog ko. maraming salamat sa pagbisita... at aabangan ko rin ang iyong mga sagot dun sa tag! hehe. :)

hi lizeth, salamat sa pagbisita. sarap nang cafe mocha, di ba? pag napadayo ka sa subic, puntahan mo ang pizza resto na ito. uber sa laki ang kanilang xtremely pizza!!! pero masarap po talaga. ;)

hi thess, salamat sa iyong mga papuri! ako'y nagagalak at naibigan mo ang mga larawan at naging trivia sa iyo ang lugar sa NY kung saan binaril si J.L. :) Isa pang trivia: malapit lang dun ang apartment na tinitirhan nya noon...

ola, MPG! medyo halata bang medyo tinamad ako kumuha nang bagong larawan? hehe. naisip ko kasi na mas magiging makabuluhan ang aking entry kung ito'y mula sa 'baul' nang aking mga nakuhanang litrato. :D miss na rin kita at sana nga palaring mabisita ko kayo nang iyong pamilya sa lalong madaling panahon....haaay!

4/4/08, 4:28 PM  
Blogger Noel Cabacungan said...

pakyawan sa bilog. hahaha ;-) salamat sa pagbisita dragonesa. hehehe. hanggang sa susunod na linggo. pakyawan ulit!

4/5/08, 1:02 AM  
Blogger bukasnalang said...

wow pizza!!! ang sarap. =)

ang ganda po nung bilog kung san biaril si JL. :)

4/5/08, 1:44 PM  
Blogger Dragon Lady said...

maligayang pagbisita, kotsengkuba! medyo nahalata mo pala ang hilig ko sa pamamakyaw, hihi. susubukin ko sa abot nang aking makakaya ang makapamakyaw muli sa susunod na linggo. ;)

hi joanne! masarap talaga ang pizza na yan kaya sana'y matikman mo ito pag napagawi ka nang subic. aking ikinagagalak na naibigan mo ang lugar kung saan binaril si 'pareng' JL. :D

4/5/08, 1:57 PM  
Blogger linnor said...

Hanga ako sa sipag mo maglagay ng maraming bilog! :) Galing ng pics!

http://linnor.marikit.net/

4/6/08, 1:50 AM  
Blogger HiPnCooLMoMMa said...

natuwa ako sa mga litrato mo, 4 na bilog ng ibat ibang lugar...galeng!

4/6/08, 2:05 AM  
Blogger Dragon Lady said...

salamat sa pagbisita, linnor at hipncoolmomma!

ni-link ko po kayo sa aking side bar links ha. :-)

aabangan ko ulit ang mga entry ninyo sa LP ngayong darating na linggo!

4/6/08, 11:48 AM  
Anonymous Anonymous said...

Aliw!

4/7/08, 9:59 PM  
Anonymous Anonymous said...

mabuhay, dragon lady! :) pasensya ka na at ngayon lang ako nakadaan. dumaan kasi ang sabado't linggo, e pamilyang layas pa naman kami. hahaha! ang ganda ng iyong lahok sa LP at napakahusay mo sa wikang Pilipino. ang sarap magbasa ng tamang Tagalog. magkita tayo ulit sa Huwebes! :)

4/8/08, 12:23 PM  
Blogger Dragon Lady said...

divinemissm, salamat sa pagbisita at na-'aliw' rin kita. :P

salamat sa iyong mga papuri, munchkin mommy! nakatutuwang isipin na naroon pa rin pala ang aking natatagong talento sa pagsulat sa wikang Filipino... isama pa rito ang pagsulong sa aking interes sa potograpiya. oo nga, kitakits ulit ngayong darating na huwebes! 2 tulog na lang mula dito sa Pinas! :D

4/8/08, 3:41 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home