Nitong nakaraang mga araw ay nagkaroon na naman nang isang long weekend dito sa Pinas. Ang regular holiday na ika-9 ng Abril bilang "Araw ng Kagitingan" ay pansamantalang "inilipat" nitong nakaraang Lunes (ika-7 ng Abril). Alalaong baga, dire-diretso nga naman ang pahinga nang mga mamamayang Pilipinong tulad ko. :)
Kaya naman noong Linggo at Lunes, kaming buong pamilya ay bumyahe at nagbakasyon sa Southridge Estates, Tagaytay. Ang aming pagpunta doon ay hindi lamang pag-iwas sa mainit na klima dito sa Kalakhang Maynila; bagkus ay ang pagdiriwang nang pagtatapos sa elementarya nang aking panganay na pamangkin na si Kit. Bitbit ang aking Sony Cybershot digicam at Sony Ericsson fone, mataimtim kong pinagnilayan kung ano ang maaari at interesanteng "tatsulok" na mahahagilap hindi lamang nang aking mga mata kundi pati na rin nang lente nang aking kamera. Isama na rin dito ang isang nakatutuwa ngunit makabuluhan na kwentong aakma sa likod nang mga larawang ito...
*****
Isang napakasarap at napakasayang tanghalian! Idagdag pa rito ang sangkatutak na pagkain at iba't ibang handa sa aming salu-salo. :) Ngunit, wala akong maaninag ni isang "tatsulok" sa loob nang bahay-pahingahan kung saan kami ay nagdiriwang. :( Buo pa naman ang aking loob na ang aking "tatsulok" ay dito ko matatagpuan habang nagbabakasyon sa Tagaytay. May pag-asa pa kaya?
Ayun!
Habang kami ay nasa byahe paakyat pa lamang nang Tagaytay, nasa pag-iisip ko na ang traffic sign na ito. Hindi naman eksaktong yield ang kailangang nakasulat basta't makakita lamang ako nang may ganitong hugis na senyales pang-trapiko. Tsk, tsk, tsk... Akala ko ay di na ako makakakita nito! Buti na lamang at pagbisita namin sa isang bagong subdibisyon kung saan may nabiling lote ang aking ina, dito ko lang pala "sya" makikita. Haha... salamat sa aking mahal na esposo at kanyang tinawag ang aking pansin pagkababa namin sa sasakyan. :D
Sa sobrang kagalakan, tinakbo ko ang ilang metrong layo nito mula sa lote nang aking ina. Di naman ito kalayuan at naroon din sa kalyeng kinatitirikan nang bakanteng loteng aming binisita. Ang loteng ito ay nais kasing patayuan nang bahay-pahingahan ng aming pamilya (hmm, ang bahay sa Southridge Estates ay pagmamay-ari nang pamilya ng isa sa aking mga bayaw).
Narito pa ang ilang "tatsulok" mula sa logo nang subdibisyon, ang Prime Peak Tagaytay. Natagpuan namin ito noong kami'y papalabas na nang subdibisyon at nagkayayaang mag-kodakan sa welcome gate. :D
At panghuli, narito ang ilang mga bahay-pahingahan mula naman sa Southridge Estates (hehe, ang mga lote po rito ay hamak na malalaki kumpara sa Prime Peak). Marami ring "tatsulok" sa kani-kanilang mga bubong, hindi ba? ;)
*****
Pagmumuni-muni ni Dragon Lady sa kahulugan at kabuluhan nang senyales pang-trapiko na yield...
Di nga ba't ang isa sa mga ibig sabihin nang salitang ito, pati na rin sa kanyang gamit sa trapiko, ay ang "magbigay"? Ang kalyeng kinatitirikan ng senyales na ito ay hindi kalakihan at medyo pababa pa nang kaunti. Ito ay isang pagpa-paalala na kailangang "magbigay" o "magpauna" ang daraan rito. Sa ganitong paraan, mas magiging maluwag at maayos ang trapiko at makakaiwas rin sa maaaring sakuna. :)
Marahil ganoon rin sa pagpapatakbo ng (o mismong paglalakbay natin sa) ating buhay. Kung minsan ay kailangan din nating mag-menor... o kaya'y magpahinga. O dili kaya'y magbigay o magpauna sa ating kapwa upang mas maging maayos ang ilang mga pangyayari sa ating buhay.
YIELD. Ito ang aking ikalawang lahok sa Litratong Pinoy at tumatalakay sa temang "Tatlo ang sulok ko." Sana'y naguluhan, este, naging makabuluhan sa inyo ang natatangi kong kontribusyon sa linggong ito. Maraming salamat po. :D
24 Comments:
mabuhay, dragon lady! alam mo, dito sa amerika, nakakatuwang binibigyan ng kahulugan ang traffic sign na "yield". sumasangayon ako ng buong-buo sa mga nasabi mo na sa totoong buhay, kailangan talaga nating magbigay o magpauna. :D hanggang sa susunod na huwebes!
Mapped Memories
Munchkin Mommy
Nagagawa nga naman ng LP, kung hindi tayo pinatatakbo, pinagagastos o kaya pinamamalancha makapag post lang ng entry na tatsulok *lol!*
parang maganda sa subdivision na iyan ha....*dreaming*
uyyyy, ang sarap dyan sa tagaytay...
hi judy! tamang-tama ang weather sa pagkakakuha mo ng yield ah! inisip ko ring kumuha ng stop sign na yan (sa ibang lugar syempre), kaya lang, walang panahong bumaba ng kotse at magpasagasa sa kalye :)
hope you enjoyed your trip. happy weekend!
hehehe
naalala ko ang camera ko na bitbit ko isang umaga na naglakad ako para sa ehersisyo!
nakakita din ako ng street signs na gusto kong kuhanan :D hehehe
happy weekend!
ang ganda ng mga kuha mo sa litrato! gusto ko un word na "YIELD" kahit hindi sa road sign ginagamit. Positibo ang dating sa akin ng word na "YIELD" :) meron din akong magandang alaala sa salitang yan, dahil na rin siguro sa hindi malilimutang espesyal na tao.. hehe :) salamat sa magagandang litrato! hanggang sa susunod na huwebes!!! :)
Dragon Lady, una sa lahat, napakaganda ng lugar na iyan, sana balang araw...ay, yiled muna ako sa pag-iisip ng ganyan.
Ang yield ay isa sa mga hindi pinapansin na trapik signs, sa aking palagay lang naman. Lahat nagmamadali, animo mauunahan ng kung anu-ano. Sa buhay, merong aspeto na kelangan magnihay-nihay, magbigay at magpauna. Mainam na ang ganito kesa lagi pagal ang katawan at hindi na nakikita kung ano ang mga magagandang bagay sa paligid.
Salamat :)
Oo naman naman! Ang mga street signs hehe
Galing! :)
Salamat sa pagdalaw... ili-link din kita, Dragon Lady :)
Salamat sa pagbisita! Naisip ko rin kunan yong traffic sign na tatsulok dito :) Gusto ko sana yong camel ang nakalagay pero hindi kasi ako nagkaroon ng pagkakataon.
uy daming lahok... sana magkabahay din ako dyan... happy weekend...
daming tatsulok...aliw...
sarap pumunta ng tagaytay..ang init dito sa manila..
hanggang sa muli ;)
supportive talaga ng mga esposo ano, ako din humingi ng tulong sa kanya kung ok ba yung ginawa kong tatsulok, kung pede na ^_^
ang saya naman ng pamamasyal mo. at ang ganda ng lugar.
ayos din ang tatsulok mo
Ang ganda naman ng mensaheng kalakip ng iyong mga litrato! Galing!
Isang "mapahingang" weekend sa iyo, Dragon Lady! Mag-"yield" ka muna, okay? ;)
hey, dragon lady. alam ko dumaan na ako rito sa site mo at nag-iwan ng comment pero mukhang hindi lumabas.
anyway, nakakatuwa naman at ang dami mong nakitang tatstulok. buti na lamang at nag punta ka sa tagaytay.
congratulations di pala.. tama ba kaka-celebrate mo lamang ng 4th month wedding anniversary kamakailan? ang saya.
gustong gusto ko yung ikalawang litrato. makahulugan rin ang lahok mo. magandang weekend sa yo! :)
uy taga tagaytay ka ba? kasi taga silang ang asawa ko eh :) malapit kami dun
uy nalink na din kita..salamat..
totoo, resourceful nating mga pinoy ano :) akmang akmang triangle nga :)
ngayon lang ako nakapag-comment kasi nag-yield muna ako para makaraan ang mga naunang commenters hehe.
gusto ko yung pictures ng street signs. naisip ko rin kunan ang mga yield dito sa amin kaya lang baka masagasaan ako, alam mo naman ang bibilis ng sasakyan dito. :P
agree ako sa sinabi mo tungkol sa pagbibigay. maraming problema ang maso-solusyunan kung matututunan lamang ng bawat isa na magbigayan. at speaking of bigayan, nakapag-ipon ka na ba para sa susunod na pasko, ninang judy? :D hehehe.
MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok
nakakatuwa naman! parang dinayo mo pa talaga ang tatsulok na yan! ang galing!
malapit nanaman ang huwebes! baka kailanganin ko ring mag-biyahe para makahanap ng apat na sulok! haha! hanggang sa muli!
Hi Dragon Lady,
Ang akala ko nasa ibang bansa ang photo na yan. Sa Tagaytay pala. Ang ganda ng lugar. Maraming salamat sa invitation. Sayang di umabot nung nakaraang Holy Week nakadalaw sana ako sa inyong Ancestral home. Hope to see you soon. ;-)
Ambo
Ambothology.com
Pinoyambisyoso.com
Pinoytek.net
bagay nga ang litrato ko sa pangalan mo :) salamat sa maiinit na pagbati. baka makikita ko yung yield na pagpunta ko ng tagaytay sa sabado :)
oist, open na ulit ang blogspot dito. pero malamang limited edition. hahaha. may dramatic ang kaulapan ng tatsulok sign mo kesa sakin at sony ericsson cam phone lang din gamit ko.
san yang yield sign na'yan? taga-tagaytay si misis pero di ko alam yang lugar na yan. hehehe.
naku, ngayon lamang ako makakasagot sa inyo...
@ munchkin mommy, salamat sa pagsang-ayon. :)
@ thesserie, hehe... korek ka dyan! bago pa lang itong subdibisyon (prime peak) na ito. halos wala pa pong mga bahay na nagpapatayo rito.
@ sardonic nell, masarap po talaga at malamig ang klima dun!
@ dyes, walang gaanong dumadaan sa kalye noong kumuha ako ng mga larawan na iyan... pero mahilig talaga akong magkukuha nang litrato ng kung anu-ano habang naglalakad o nakasakay pa. :)
@ ironnie, nag-enjoy po talaga ako. salamat!
@ lizeth, minsan may mga bagay kasi na masarap kunan nang litrato ~ hindi ba?
@ grey, maraming salamat! nakatutuwa namang malaman na makahulugan para sa iyo ang salitang 'yield.' ;)
@ julie, ako'y lubos na sumasang-ayon sa iyo. paminsan-minsan ay dapat nating matutunan ang mag-'yield.' :D
@ she, salamat rin sa iyong pagbisita!
@ nina lumberio, talaga po? may camel na traffic sign dyan? ano po ang ibig sabihin nun? :)
@ lino, salamat! mahilig lang talaga akong mamakyaw. ;)
@ jeanny, oo nga... parang gusto ko ulit magpunta dun!
@ hipncoolmomma, sumasang-ayon po ako sa inyong tinuran! asteeeg talaga 'yung tatsulok mo ha. ;)
@ mousey, salamat rin po. medyo mahilig talaga akong mamasyal, hehe.
@ pinky, salamat sa pagbisita. nalalapit na namang muli ang isang mapag-'yield' na weekend. hahaha!
@ clicking away, maraming salamat rin sa iyong pagbati sa aming wedding monthsary gayundin ang pagbisita dito! mabuti nga at nakakuha ako nang mga larawan dun sa tagaytay... medyo tinamad kasi akong maghanap mula sa mga luma kong litrato. :)
@ christine, 'yun din po ang aking paboritong litrato sa lahat nang aking tatsulok! salamat.
@ rose, ang aking pamilya po'y taga-sucat. ngunit ako ay narito na sa mandaluyong magmula nang ako'y mag-asawa. :) 'tumira' ako nang tatlong araw sa bgy. tartaria, silang, cavite noong kolehiyo para sa isang immersion activity. malapit ba kayo dun?
@ MPG, hahaha! ano ulit yung tanong mo? ;)
@ lidsÜ, swerte nga at nakakita ko nito sa tagaytay! salamat sa pagbisita.
@ ambo, oo nga ~ next holy week na lang ulit! magandang pumunta sa amin pag holy wed para libre tsibog din sa amin. hahaha! nabisita ko na 'yung mga kuha mo nang simbahan ng paete. ang galing!
@ korky, uyyy... malapit na mag-sabado! sana'y makapag-'yield' (i.e., pahinga) ka dun sa tagaytay. :D
@ KK, hanggang kailan kaya ang itatagal nang pagyi-'yield' (i.e., pagbibigay daan) sa blogspot? hehe. ang yield sign na ito ay nasa loob ng prime peak subd. kung hindi ako nagkakamali, ang daan patungo sa subdibisyong ito ay katulad nang papunta sa nurture spa. madadaanan rin ang tagaste retreat house bago makarating sa subd. :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home