Thursday, April 17, 2008

L.P. #3: Apat na kanto

Alam n'yo ba kung anong uri nang larawan ang nais ko sanang ibahagi sa araw na ito? Hinalukay ko ang mga dating larawan na aking kinunan at pilit na naghahanap nang kuha ng mga 'kalye' (opo, medyo mahilig akong magkukuha nang mga larawan habang naglalakad o nakasakay pa ~ lalong-lalo na noong nasa Amerika ako). Kung mayroon lang sana akong kuha nang apat na kanto/kalye (na tinutumbok ay ang interseksyon) ay ito ang ilalahok ko! Kaso hanggang 2-3 kanto lang po ang nakita ko... Gayunpaman, narito ang APAT na larawang sumasalamin sa tema ngayong Huwebes nang Litratong Pinoy.

Ito ang magta-tatlong taon ko nang laptop na aking binili sa Atlanta, Georgia noong ika-2 ng Hulyo, 2005. Hindi lang ang mismong laptop ang may apat na kanto; isama na rito ang makikita sa keypad, stickers, at pati ba naman sa wallpaper ko noon?! :D

Ang mga susunod na larawan ay 'nahalukay' ko sa My Pictures folder nang aking laptop....

Ito ang isa sa apat na parte nang West Quad Dormitory sa University of South Carolina (USC) na matatagpuan sa Columbia, South Carolina kung saan ako ay namalagi nang isang buwan. Mas mainam sana kung nakuhanan ko mula sa tuktok ang apat na gusaling bumubuo sa dormitoryong ito (napapansin mo ba ang dalawa sa gilid nito?). Ako ay tumira sa gusaling nasa harap ng nasa larawang ito. Kapansin-pansin pa rin ang napakaraming bintanang may apat na kanto; isama pa rito ang landscape grass sa bandang ibaba nitong larawan.

Ang Thomas Cooper Library nang USC ay punum-puno din nang apat na kanto. Mula sa istraktura nang silid-aralan na ito hanggang sa kanyang mga pinto, bintana, mga ilaw, at pati na rin ang disenyo sa ceiling nang entrada nito.

Narito naman ang isang inn sa Charleston, South Carolina. Kuha ko ito habang ako'y naglalakad sa isa sa mga kalye nang siyudad na ito. Ang lugar nang Charleston ay kilalang destinasyon para sa mga turista at isa ring makasaysayang pook sa Estados Unidos. Dito naganap ang sinasabing unang pagputok kung saan nagsimula ang American Civil War noong 1861.

Hanggang sa susunod na Huwebes po! :)

39 Comments:

Anonymous Anonymous said...

wow naman! wish ko lang makapasyal din ako dyan :)

4/17/08, 7:40 PM  
Anonymous Anonymous said...

uy ang dami mong nakuhang parisukat ah.. cool.. at ang gaganda pa ng mga infrastracture... resourceful and creative..

happy weekend

4/17/08, 8:13 PM  
Anonymous Anonymous said...

uuuy kilala ko ang laptop na yan, hehe! parang kasama yata ako nung binili yan... :D

wow talagang nostalgic ka for SC ha, hehe! pumunta na kasi ulit kayo dito para sa FL naman kayo makapamasyal :) tapos bulabugin natin mga kamag-anak niyo nang makalibre ng chibog hehe! :)

great pics! :)

MyMemes: LP Parisukat
MyFinds: LP Parisukat

4/17/08, 9:26 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang galing ng mga kuha mo sa mga gusaling iyan

maligayang huwebes!

4/17/08, 9:39 PM  
Blogger Dyes said...

naks! punung-puno ka ng apat na kanto ah :) ang gaganda pa ng pagkakakuha :)

4/17/08, 10:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

pinakgusto ko yung huling litrato.. parang ang sarap tumira dun.

4/17/08, 10:36 PM  
Blogger Dragon Lady said...

@ korky, kapag ikaw ay napadpad sa south carolina, wag mong kalimutang puntahan ang charleston. :)

@ rose, salamat sa papuri! iyan nga ang tema nang aking mga larawan ngayon ~ iba't ibang gusali maliban sa aking laptop. hehehe.

@ meeya, haha... nakaligtaan ko ngang banggitin na kinunan ko nang piktyur itong laptop noong nasa hotel tayo! tapos na ata si papa A mag-install nang mga panahon na yan. hehehe. :) oo, nostalgic nga ako sa SC! sana nga ay sa susunod na punta ko dyan ay sa FL naman!

@ mousey, isang maligayang huwebes din sa iyo! salamat sa pagbisita. :)

@ dyes, maraming salamat! meron akong dalawang kuha nang may apat na kanto nito lang mga nakaraang araw pero mas pinili ko ang maghanap mula sa aking baul nang mga litrato, hehe.

@ alpha, kapag ikaw ay nakapunta nang charleston, ako'y nakasisiguro na magugustuhan mo ang lugar na ito! para sa akin, mayroon syang touch of our very own vigan, ilocos sur. :)

4/17/08, 11:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

wow dami mong lahok...ang sipag ;)

ganda ng mga kuha mo kapatid...

maligayang lp sa iyo

4/18/08, 12:10 AM  
Anonymous Anonymous said...

salamat sa pagbisita!

pinakagusto ko rin ung panghuli, kulang nalang may bench sa harapan tapos may matandandang lalaking nakasalamin at nakasumbrero tapos nagbabasa ng diyaryo.

Haha. Parang ganun ung effect. Hindi ko alam i explain sa ibang paraan =).

4/18/08, 12:49 AM  
Blogger Joy said...

Ang ganda ng mga kuha mo ng gusali! Mukhang nakalibot ka nang maigi sa US. Sarap maging turista no?

4/18/08, 1:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

gusto ko ang huling larawan...dito pa lamang ay nakikita ko nang napakaganda ng Charleston bagaman hindi pa ako nakakarating diyan sa bandang iyan:)..nariyan ka pa ba? dadalawin kita! hahaha!

4/18/08, 2:47 AM  
Anonymous Anonymous said...

sana makapunta ako dyan :)

4/18/08, 3:17 AM  
Anonymous Anonymous said...

hindi na talaga dapat lumalabas ng bahay na walang dalang kamera. :) paborito ko ang huling larawan. parang ang dating ng inn ay talagang makasaysayan. :)

Parisukat sa Mapped Memories
Parisukat ni Munchkin Mommy

4/18/08, 4:06 AM  
Anonymous Anonymous said...

talagang puro tig-4 na kanto...ang sarap tingnan ng ibat-ibang gusali na may ibat ibang characteristics...

Maligayang Biyernes sa iyo at salamat sa pagdalaw ha, hanggang sa susunod na Huwebes =)

4/18/08, 4:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

hey, ang ganda ng pictures mo.. pinakagusto ko ay yung iyong dormitory sa USC... napakalinis... mukhang hindi totoo... sure ka ba hindi yun computer generated... hehehe...loko lang.

4/18/08, 4:52 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ganda ng mga kuha! Hanggang sa susunod na Huwebes uli...

Ingat.

4/18/08, 5:57 AM  
Anonymous Anonymous said...

hehe, yan din ang una kong laptop, ganyan na ganyan... :)

4/18/08, 6:30 AM  
Anonymous Anonymous said...

Kahanga-hanga naman ang mga larawan na naipost mo. Sana sa huwebes mga larawan na may hugis PUSO naman.-zoila

4/18/08, 7:36 AM  
Blogger Eds said...

wow ang daming parisukat nito ha! salamat sa pag bisita!

Uyy cabalen! Dito din kmi sa San Jose, Magalang, Pampanga tpos may bahay din kmi sa Floridablanca sis! what a small world noh! Magandang araw!:)

4/18/08, 8:26 AM  
Blogger lidsÜ said...

ang daming parisukat! nakakatuwa!
magandang araw sa'yo!

4/18/08, 8:38 AM  
Blogger emotera said...

pinaka nagustuhan ko itong inn... ang ganda...apat na kanto talaga ung structure nya...

ang gaganda naman ng place na nakuhanan mo...:)

gandang araw...:)

4/18/08, 11:51 AM  
Anonymous Anonymous said...

Hi Judy, at last bumait si mao-tsi tung kaya nakalusot!
Great great pictures! naaliw ako habang minamasdan at binabasa ang mga salaysay mo sa bawat larawan.
Good Job sis!

off: pretty mo pala ;)

4/18/08, 1:17 PM  
Anonymous Anonymous said...

sayang maganda sana yung concept nung kalye. pero okay din naman ito at nai tour mo kami kahit papaano. :D happy weekend!

4/18/08, 3:41 PM  
Anonymous Anonymous said...

I went to Charleston SC once when I was still living in NC (neighboring state) but does'nt have much time na mamasyal.awesome entry. :)

4/18/08, 4:16 PM  
Blogger marie said...

wow! ang daming kwatro kantos niyan pero ang gaganda naman ng mga shots ng mga lugar na yan.:)

4/18/08, 5:08 PM  
Anonymous Anonymous said...

salamat sa pagbahagi ng mga litrato pati na rin sa mga kwento ;)

4/18/08, 5:32 PM  
Blogger yvelle said...

nice pics! :)

4/18/08, 9:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

uNaisip ko din kuhanan ang aking laptop..hehe.. Ang ganda naman ng mga kuha mo sa mga gusali. :) Hanggang sa susunod na huwebes!

4/18/08, 9:36 PM  
Blogger HiPnCooLMoMMa said...

maganda lahat ng mga litrato

4/18/08, 10:11 PM  
Blogger Dragon Lady said...

@ jeanny, salamat! 'ika nga ni KK, pakyawan na ito! :)

@ cathy, nai-imagine ko ang sinasabi mo. ;) bukod dun sa laptop ko, pinakagusto ko rin ang huling larawan!

@ joy, masarap talaga maging turista lalo na kapag libre ito at may 'allowance' ka pa! hehe. sinwerte lang makakuha nang isang maikling iskolarsyip kaya kung saan-saan ako napadpad dun sa Amerika... mababasa mo ang ilan sa aking karanasan doon sa archived posts ko noong 2005. :)

@ ces, tumpak ka ~ na napakaganda nang charleston... ngunit wala na ako dun! hehe. tatlong araw lamang ako namalagi dun kasama ang 17 pang ibang lahi (gawin na nating 18 kasama ang mga kano). :) pero ipinangako ko sa aking sarili na babalik ako dun balang-araw! sabay tayo??!

@ nina, walang imposible! it's a must-see place if you swing by south carolina or nearby states (like georgia, north carolina, etc.)

@ munchkin mommy, korek ka dyan momma! marami pang ibang aspeto nang charleston ang tiyak na magugustuhan mo. :) minsan ay susubukan kong sariwaing muli ang aking karanasan doon at lalakipan ko ito nang mga litrato dito sa aking blog. hmm, kailan kaya yun?

@ thesserie, salamat rin sa pagbisita! iisip muli ako nang magkaka-halintulad na mga larawan para sa susunod na tema sa huwebes... :)

@ leapsphotoalbum, salamat sa papuri! tama ka, malinis talaga yung dormitoryo na iyon. ang grupo namin ang isa sa mga unang 'buminyag' dito, hehe. hay naku, ang lahat nang 2005 US photos ko ay naka-upload dati sa
aking yahoophotos... sa kasamaang-palad, huli na nang makita ko ang kanilang paalala na ilipat ang mga ito sa flickr (hehe, minsanan lang kasi ako mag-check nang e-mail noong mga panahon na yun)! kaya hayun, goodbye na ang mga pinaghirapan kong i-upload dati. :(

@ chinois972, maraming salamat sa pagbisita katotong LP! :)

@ lino, mukhang may pangalawa, etc... ka nang laptop? heto pa rin kasi ang gamit ko magpa-hanggang ngayon. ;) may sentimental value po talaga ito sa
akin dahil tinipid ko ang aking 'allowance' para makabili nito. hehe, ang pinoy nga naman! pero ang hebigat nang laptop na ito, ano?! still, i lab it. :D

@ zoila, maraming salamat muli sa pagbisita! naku, iba naman ang tema sa susunod na huwebes. maaari mo itong makita sa www.litratongpinoy.com :)

@ eds, talaga?! dyan ba kayo umuuwi? mayroong bahay ang tita ko sa san pedro, magalang, pampanga. malapit ba ito sa inyo? sabihan kita pag dadalaw kami dun, hehe. :D

@ lidsÜ, namamakyaw na naman po! hahaha. magandang araw din sa iyo!

@ emoterang nurse, salamat at naibigan mo ang aking mga lahok. :) pinakapaborito ko rin yung inn sa charleston. salamat din sa iyong pagbisita!

@ nona, sa wakas! salamat sa pagbisita ~ nawa'y nakita mo rin ang mga nakaraan kong lahok sa LP. :) sana'y makadalaw ka ulit sa susunod na huwebes. uuyy, salamat po sa papuri ~ nagba-blush ako!

iRonnie, sana'y nag-enjoy kayo sa munti kong 'tour'. :D pero di ba astig nga kung nakakuha ako nang larawan ng apat na kanto/kalye?? happy weekend rin!

@ fickleminded, were you able to go to fort sumter? ito talaga ang
makasaysayang pook sa charleston kung saan naganap ang sinasabing unang pagputok na nagpaigting sa american civil war noong 1861. haaay, nami-miss ko talaga ang trip na ito!

@ marie, maraming salamat! hanggang sa muli mong pagbisita ha. :)

@ kaje, salamat rin sa iyo. pansin mo na mahilig rin akong magkwento hahaha!

@ yvelle, thanks and happy weekend!

@ grey, talaga namang apat na kanto rin ang ating laptop, o dibs? :) sakto lang na nung kinunan ko ito magta-tatlong taon na ang nakalilipas, kasalukuyan itong nagbu-'boot' kaya hayun ang maraming 'apat na kanto' sa start-up screen ng compaq! ako'y natutuwa na nagustuhan mo rin ang mga kuha nang mga gusali. :)

@ HiPnCooLMoMMa, tenk yu po! hanggang sa susunod na huwebes!

4/19/08, 3:17 AM  
Anonymous Anonymous said...

ayan, nakadaan na din ako sa wakas! :) pinaka-gusto ko yung huling larawan, yung andrew pickney inn :) ewan ko ba pero parang napaka-nostalgic ng mga lugar katulad nyan. or maybe i just watch too many movies. hehe

4/19/08, 9:24 AM  
Blogger Dragon Lady said...

salamat sa pagbisita, iris! peborit ko rin ang huling larawan... medyo 'makaluma' rin ako sa ilang bagay-bagay. hehe. :)

4/19/08, 2:27 PM  
Anonymous Anonymous said...

Wow naman...Sana ako din...heheheh...hanggang sa susunod na Huwebes..salamat sa pagbisita.

4/19/08, 5:28 PM  
Anonymous Anonymous said...

Parang gusto ko din makapasyal sa lugar na yan. Ang dami ngang apat na kanto sa mga larawan mo! Galeng!

4/19/08, 7:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang daming parisukat nyan! :) magandang weekend!

Only The Good Stuff
My Cyber-Life

4/19/08, 10:53 PM  
Anonymous Anonymous said...

mahilig din akong magkukuha ng mga gusali (dahil ako po ay arkitekto) kaya talagang nagustuhan ko ang mga larawan mo :-)

4/20/08, 6:58 AM  
Blogger Dragon Lady said...

@ zamejias, salamat rin sa pagbisita. maligayang LP!

@ buge, sabihan mo ako kapag mapapadpad ka sa anumang lugar na nabanggit ko at bibigyan kita nang mga tips! hehe.

@ christine, salamat sa pagbisita. mahilig akong mamakyaw, haha. have a good week ahead!

@ iska, ganoon ba? maraming salamat at nagustuhan mo ang mga larawan ko. :)

4/21/08, 12:26 AM  
Blogger Lizeth said...

ang gaganda ng shots mo! gusto ko ang mga entries na galing sa mga lugar na nabisita nila. very interesting. :)

4/22/08, 6:41 AM  
Blogger Dragon Lady said...

lizeth, maraming salamat! natutuwa ako at naging napaka-interesting sa iyo nang aking mga larawan at kwento. :)

4/30/08, 1:10 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home