Friday, May 02, 2008

L.P. #5: Malungkot

Alas! Ipagpaumanhin at nahuli na naman ako nang ilang oras sa aking mga lahok ngayong linggo sa Litratong Pinoy.... Muli ay Biyernes na naman nang madaling-araw at tulad nang nakaraang linggo, ay di ako umabot sa takdang oras ng Huwebes. :-(

Gayunpaman, narito ang samu't sari kong larawan na kuha mula taong 2005 hanggang sa kasalukuyan na pawang sumasalamin nang iba't ibang kalungkutan ~ ang tema ngayon sa LP.

Una. Sulyap mula sa Bintana

Ito ay kuha ko mula sa aking silid (#535) nang Jury's Hotel, Dupont Circle nang Washington DC. Isang di malilimutang gabi, kung saan ako ay nag-iisa habang malakas na humahagupit ang ulan pati na rin ang mga kulog at kidlat sa labas nang aking kinaroroonan. Noon ay ika-siyam nang gabi at sa saliw nang awiting 'Weak,' ay magkahalong lungkot at pangamba ang aking nararamdaman. Aking napagtanto na ang aking kalungkutan ay di lamang dala nang isang masamang panahon; bagkus ay ang matinding pangungulila sa mga mahal sa buhay na aking naiwan sa Pilipinas...

Ikalawa. Ang Mama at ang kanyang alagang aso

Matapos ang masaya at nakabubusog na hapunan sa 'Kabisera' (by Dencio's) sa B:2 nang Bonifacio High Street, The Fort (Taguig City), kami ay nagpalakad-lakad sa kahabaan nang may kabaguhang establisamentong ito (Bonifacio H.S.).... Nakasama ko noong Miyerkules nang gabi sa hapunang ito ang aking mahal na esposo at apat pa niyang kasamahan sa trabaho. Dahil sa pagnanais kong makakuha nang naaayon sa tema ng LP, pasimple kong ginamit ang aking celfone camera. Maaaninag sa larawang ito ang isang lalaking nakaupo katabi ang kanyang alagang asong puti (nakikita mo ba ito?) na kinunan ko mula sa kabilang dako nang water fountain area. Akin syang pinagmamasdan nang makailang minuto na rin ang lumipas nang kami'y napahinto sa lugar na ito. Dama ko ang animo'y pangungulila nang Mamang ito habang sya ay malayong nakatingin sa dako paroon at maka-ilang beses na napabubuntung-hininga...

Ikatlo. Ang Babae sa Restawran

Umiral na naman ang pagka-papparazzi ko! Kanina (Huwebes nang gabi) ay sinubukan namin ni Eric na kumain nang hapunan sa Ohana Hawaiian BBQ. Ang 'bagong'(?) restawran na ito ay matatagpuan sa Megamall. Naparami ata ang pamimili namin (salamat sa 10% off on all items only for May 1 promo ni G. Henry Sy para sa mga SM Advantage Cardholders at napagastos talaga kami, hehe! .... teka, ang lahat naman nang aming napamili kahit hindi sa loob nang SM Dept Store ay puro sale items rin naman po), at medyo pasado alas otso na rin nang gabi nang kami'y nagpasyang maghapunan. Habang hinihintay ang order naming mga pagkain, dumating ang babaeng ito at umupo sa may di kalayuang lamesa mula sa amiing kinaroroonan. Napaisip ako kung sya ba'y mayroong hinihintay o sadyang nababalisa sa kanyang pag-iisa. Di man kita sa larawang ito ang buo nyang mukha, bakas sa kanyang mga kilos ang matinding kalungkutan...

Ika-apat hanggang Ika-anim. Ang Lungkot nang Kahirapan

Pamilyar ba sa iyo ang lugar na ito? Marahil ay tipikal mo itong nakikita sa iba't ibang sulok sa Kalakhang Maynila... Oo, MALUNGKOT talagang makita ang ganitong paligid hindi lamang dahil sa ito'y isang eyesore sa dami nang nagkalat na dumi at basura; bagkus ay sumasalamin ito sa sinasabing pitumpung porsyento (70%) nang ating mga kababayan na naghihirap o living below poverty line sa kasalukuyang panahon.

Personal kong napuntahan at nasaksihan ang kahirapang ito sa lugar nang Baseco, Maynila. Kasama ang aking 'tour guide' (Dan B.) noong mga panahong iyon nang Marso 2007, ang aking pagdalaw rito ay bunga nang aking unang assignment mula kay G. Tony Meloto (o mas kilala bilang 'Tito Tony' o 'TM' sa mga taga-Gawad Kalinga). Matapos kong malibot ang parte nang Baseco kung saan naroroon ang naggagandahan at maaayos na tirahan na bumubuo sa komunidad nang GK, may mga ilang bahagi pa rin nang lugar na ito ang lugmok sa kahirapan.

Mapapansin sa huling larawan na ito ang sulyap nang pag-asa sa kabila nang kahirapang tumatamasa sa buong Baseco. Sinadya kong kunan ang ilang kabahayan na naitayo sa pamamagitan ng GK (mayroon ding iba na mula naman sa Habitat for Humanity), katabi ang ilan sa mga barong-barong na nagpapamalas nang lungkot nang kahirapan sa ating bayan.
*****
Umaasa akong naibigan ninyo at naging makabuluhan para sa inyo ang aking mga lahok ngayong linggong ito. Mabuhay ang Litratong Pinoy!

16 Comments:

Anonymous Anonymous said...

yung unang picture akala ko may sunog. pero kumpara sa delubyo na nararamdaman ng damdamin mo sa pagka-miss sa mga taong mahal mo, pwede mo na itong maihalintulad dun.

dun sa pangatlo, hindi kaya hinihintay niya ang kanyang ka-date at hindi pa siya sinisipot? baka si papa eric ang hinihintay ha...

at sa mga huling letrato tungkol sa kahirapan, malungkot talaga yan. isa itong realidad na, sabi ko nga, hindi nating madaling takasan.

happy LP, ninang judy!


MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot

5/2/08, 3:20 AM  
Blogger Joy said...

Hindi pa naman gaanong huli ang iyong lahok. Sabihin nalang natin na nasa US time zone ka! Hehehe.

Mahusay ang mga napili mong litrato. Iba't ibang kalidad ng lungkot ang naipamalas mo.

Magandang araw sa iyo!
http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/05/lp5-malungkot.html

5/2/08, 3:51 AM  
Blogger lidsÜ said...

malulungkot nga ang iyong mga kuha...
magandang araw sa'yo...

5/2/08, 9:10 AM  
Anonymous Anonymous said...

Malungkot nga ang mag isa lamang sa banyagang lugar at malayo sa pamilya!

5/2/08, 10:12 AM  
Blogger Dyes said...

juds, sayang hindi tayo nagkita sa megamall. nagpunta rin kami doon, pero sa shakey's kami kumain :) ayos, iba-ibang mukha ng kalungkutan :)

5/2/08, 10:47 AM  
Blogger Tes Tirol said...

mg eksenang nakalulungkot nga silang lahat...

gandang LP sayo!

5/2/08, 11:12 AM  
Anonymous Anonymous said...

nakakalungkot nga na may mga taong nagdudusa sa ganyang kalagayan. sana dumating ang araw na umasenso na ang lahat ng mga pilipino.

5/2/08, 12:29 PM  
Blogger Dragon Lady said...

salamat sa inyong pagbisita, mga ka-LP! :D

@ MEEYA, naaalala mo ba ang depektibo kong kamera noong mga panahong iyon? ;) oo nga, parang may sunog dun sa unang larawan. hehe. pero labis talaga ang pagkalungkot ko noong gabing iyon... may 'video' version pa ako nyan! hahaha. mag-isa lang kumain ang babae sa restawran ~ maaari ngang hindi sya sinipot nang kalaguyo nya. nauna pa syang umalis sa amin matapos kumain eh. :( at para naman sa mga huling tatlong larawan, marahil kaya ako ay naririto ngayon sa isang organisasyong may komitment tungo sa 'social development'... ito ay isang munti kong paraan upang makatulong sa mga tao upang tulungan din ang kanilang mga sarili (in short, "helping people help themselves," hehe). :D

@ JOY, magaling! US time zone nga, haha! salamat sa papuri... intensyon ko talagang ipakita ang iba't ibang klase nang kalungkutan mula sa aking sarili hanggang sa ating lipunan. bibisitahin ko ang iyong lahok maya-maya lamang po. :)

@ LIDSÜ, salamat at magandang araw din sa iyo, kaibigan!

@ TERE, tumpak ka dyan! kahit pa nakatutuwa rin ang makakilala nang mga bagong kaibigan sa banyagang lugar, ika nga eh, 'there's no place like home!' ;)

@ DYES, talaga?? sa shakey's maysilo circle, mandaluyong naman kami nag-tanghalian kahapon. :D pagkatapos ay tumulak na kami nang megamall at doon ay nagasgas na namang muli ang aming credit card... hehe! salamat sa pagbisita!

@ TEYS, salamat at gandang LP din sa iyo, katoto!

@ KORKY, tulad mo ~ ako'y umaaasa rin na balang-araw ay makaahon sila sa kahirapan at kalungkutan... maligayang LP sa iyo. :)

5/2/08, 1:31 PM  
Anonymous Anonymous said...

Huli man daw at magaling, magaling pa rin! Hehehe! Dami mo namang kuhang malungkot, Dragon Lady - bilib ako!

Parang nasa tubig iyong mama na may aso...paano nangyari yon?

5/2/08, 8:18 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang huling litrato tungkol sa kahirapan ay malungkot na katotohanan talaga :)

5/2/08, 11:38 PM  
Anonymous Anonymous said...

Ako ay pinakanalungkot sa iyong lahok tungkol sa kahirapan sa ating bansa. Tunay na ang mga basurang iyon ay ang pinakamagandang proof na marami sa ating mga kababayan ang nalululon sa kahirapan.

Maiba ako, katulad ni Meeya, akala ko rin ay maysunog sa unang litrato... hehehe.

5/3/08, 12:20 AM  
Anonymous Anonymous said...

ang daming malulungkot na entries.. sa unang picture mukhang mas mageenjoy ako diyan, dahil gusto ko pag umuulan at nasa loob ka lang ng bahay :) magandang araw sayo!

5/3/08, 3:48 PM  
Anonymous Anonymous said...

pinakagusto ko un kuha mo nun umuulan ng malakas sa labas.. ako man ay nalulungkot sa ganyan na panahon. para ba kasing napapaisip ka or napapa-senti ka pag umuulan tapos nakadungaw ka lang sa bintana :(

5/4/08, 12:42 AM  
Blogger Dragon Lady said...

@ CHINOIS972, hehehe... maraming salamat sa iyo! :) ang fountain area na iyon ay mala-'infinity pool' ang dating kaya sa biglang tingin ay para ngang nasa tubig 'yung mamang may aso. ;)

@ NINA, lubos na sumasang-ayon ako sa iyo. maraming salamat sa pagbisita!

@ LEAPSPHOTOALBUM, ako'y umaasa pa rin na ang ating mga kapatid na mahihirap ay makakaahon rin sa buhay... at para naman sa unang litrato, bukod sa nasirang 'navi key or toggle button' ng aking digicam kung kaya't di ko basta mababago ang settings nito, sadyang malakas ang hagupit nang ulan, kulog at kidlat nang kinunan ko ang kalye mula sa aking bintana. ;)

@ IRIS, sang-ayon ako sa iyo ngunit ganoon nga ang mararamdaman ko kung ako'y 'within the comforts of my home'... ako'y malayo sa aking mga mahal sa buhay at nasa banyagang lugar nang kinunan ko ang litrato kaya naman pagkalungkot ang nadama ko. :(

@ GREY, tumpak ka kapatid! senting-senti nga ako noong mga panahong iyon... tapos pati 'background music' ko ay senti rin! hehe.

5/4/08, 11:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hi Dragon Lady! Halina't pawiin ang kalungkutan ... at gawin ang "tag" na ito - hehehe :)

http://chinois972.wordpress.com/2008/05/06/my-six-quirky-ps/

Huwag mag-alala - take your time, no pressure!

Magandang Martes sa iyo!

5/6/08, 10:40 PM  
Blogger Dragon Lady said...

hi pinky!

sige, check out ko 'yung tag later...

thanks for dropping by. :)

5/7/08, 1:44 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home