Thursday, May 08, 2008

L.P. #6: Mahal na Ina

Wala nang patumpik-tumpik pa, ang aking mga lahok sa Litratong Pinoy ay ilang litratong kuha ko sa aking mahal na Ina. Siya rin ay magdaraos nang kanyang ika-animnapu't walong kaarawan sa susunod na Huwebes, ika-15 ng Mayo.

Natural na masayahin ang aking Ina. Hanga ako sa taglay niyang tibay ng loob, sipag at tiyaga, at maabilidad na diskarte sa buhay. Isang mapagmahal na Ina, siya rin ay malapit sa ating Poong Maykapal at isa ring deboto nang Mahal na Birhen.

Ang mga sumusunod na larawan ay mga kuha ko noong nakaraang taon (2007). Kapansin-pansin ang natural din niyang pagkahilig sa pagpapakuha nang litrato tulad ko (hmmm, kanino pa ba ako magmamana?). ;)




Maraming salamat sa iyo, mahal kong Ina! Isang paunang pagbati para sa darating na Araw ng mga Ina sa Linggo at iyong kaarawan sa susunod na Huwebes. Nawa'y patnubayan ka nang ating Panginoon at bigyan nang marami pang biyayang walang-sawa mong ibinabahagi sa aming lahat. Hangad ko ang iyong mahaba pang buhay kapiling ang ating pamilya at lahat nang iyong mga kaibigan; ang iyong mabuting kalusugan; kapayapaan; at kaligayahan.

Nagmamahal, ang iyong Bunso. :)

27 Comments:

Anonymous Anonymous said...

happy mother's day at advance happy birthday sa iyong mapagmahal na ina.

5/8/08, 3:48 AM  
Anonymous Anonymous said...

maligayang bati at happy mother's day sa iyong ina!

5/8/08, 8:08 AM  
Blogger lidsÜ said...

groovy pala ang mommy mo! happy birthday sa kanya!

magandang huwebes sa'yo!

5/8/08, 8:22 AM  
Anonymous Anonymous said...

I labs your Mami, Dragon Lady... napakaphotogenic!

5/8/08, 10:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

wow si Mommy ha di sya camera shy :D happy mother's day sa kanya!

5/8/08, 10:19 AM  
Blogger Dyes said...

naks! kuhang-kuha mo ang ibat ibang anyo ng iyong ina.

maligayang araw sa kanya... at sa yo na soon-to-be na rin :)

5/8/08, 10:33 AM  
Blogger ScroochChronicles said...

Ey..ang cool naman ni Mader :)

5/8/08, 11:51 AM  
Blogger Dragon Lady said...

@ mousey & ces, maraming salamat po sa mga pagbati!

@ lidsÜ, salamat din sa iyo... tumpak ka, grooving-groovy nga si mader!

@ cathy, hehehe! salamat din po. paano naman ako? ;)

@ ettey, salamat din! hindi kaya siya ang nagmana sa akin??! :D

@ dyes, ang kulang na nga lang eh isang malungkot na litrato nang aking ina... wala akong mahanap e. salamat sa pagbati!

@ scroochchronicles, opo... cool talaga siya! salamat sa pagbisita.

isang maligayang LP sa inyong lahat!!!

5/8/08, 1:18 PM  
Anonymous Anonymous said...

Masaya ang mga mata ng iyong ina.

Maagang pagbati para sa Araw ng mga Ina.

5/8/08, 1:57 PM  
Anonymous Anonymous said...

Ang galing ng iyong ina... glamour girl na very sporty pa... hindi lahat ng ina ay ganyan... maswrete ka!

Maligayang bati sa kanyang kaarawan!

5/8/08, 2:31 PM  
Blogger sadako said...

nakakaaliw ang iyong ina Dragon Lady. Kowboy at mukhang talagang masayahin. Kaya namankahit sa kanyang edad ay bata pa rin talaga syang tingnan. Mukhang close na close kayong magina. Maligayang Araw ng Mga ina Kapatid.

5/8/08, 5:42 PM  
Blogger emotera said...

wow naman...
ang daming pic ng mom mo...
cool na cool ah...

happy mother's day sa kanya...

happy huwebes....:)

5/8/08, 7:37 PM  
Anonymous Anonymous said...

Maligayang bati sa iyong ina! Ang gagandang litrato!

Ang aking litrato ay naka-post na rin, daan ka sa aking blog kung ikaw ay may panahon:

Shutter Happy Jenn

Maraming salamat!

5/8/08, 9:29 PM  
Anonymous Anonymous said...

wow ang ganda ng mommy mo. maligayan hwebes!

5/8/08, 9:44 PM  
Blogger Tes Tirol said...

pang-toothpaste model pala si mommy ha! :)


happy mother's day at happy birthday na din sa kanya!

5/8/08, 10:17 PM  
Anonymous Anonymous said...

gustung-gusto ko ang hairstyle ng iyong mommy. :) happy mother's day sa kaniya at happy birthday na rin! :) magkasunod sila ng kaarawan ng aking kapatid (may14). :)

Munchkin Mommy
Mapped Memories

5/9/08, 2:43 AM  
Anonymous Anonymous said...

that is very heartwarming. happy mothers day!

5/9/08, 2:44 AM  
Blogger MrsPartyGirl said...

ang cute ni tita elsie!! walang duda na sa kanya ka talaga nagmana ng pagiging camera shy, hahaha! panalo yung pic niya na naka-shades, ayos! :)

na-miss ko tuloy bigla ang kanyang sinigang, hahaha!

advanced happy birthday and happy mother's day sa kanya! pa-kiss nga! *muah*

Meeya's Memes: LP Mga Mahal na Ina
Meeya's Finds: LP Mahal na Ina

5/9/08, 4:48 AM  
Blogger Dyes said...

pssst! i have something for you in http://yaneeps.blogspot.com/

5/9/08, 10:55 AM  
Anonymous Anonymous said...

sa mga litrato pa lang niya, mukahng masiyahin ngang tunay! :)

5/9/08, 12:12 PM  
Anonymous Anonymous said...

awww game na game nga sya sa hapa ng camera, cool mom!!

Happy Mother's Day sa iyong mother!! hanggang sa susunod na Huwebes!

5/9/08, 8:31 PM  
Blogger Dragon Lady said...

@ teacher julie, oo nga ano? salamat sa pagbisita!

@ leapsphotoalbum, wow! maraming salamat sa mga papuri sa aking mahal na ina. gayundin sa iyong pagbati sa kanyang darating na kaarawan. :)

@ bluepanjeet, salamat sa pagbisita kapatid! talagang nakakaaliw ang aking ina ~ lalo na kapag hindi sya nagda-drama. ;)

@ emoterang nurse, salamat sa iyong pagbisita! cool na cool nga sya, lalo na kapag hindi mainit ang ulo nya! hehehe :P

@ jenn, salamat sa iyo! nabisita ko na ang iyong lahok. happy weekend!

@ korky, uyyy... maraming salamat po! :D

@ teys, maraming salamat sa iyong mga pagbati! maligayang LP sa iyo!

@ munchkin mommy, talaga po? maligayang kaarawan din sa iyong kapatid! ang hairstyle at haircolor nang aking ina ay ganyan nang may mahigit isang taon din matapos niyang magpa-opera nang katarata sa mata (at palitan ito nang bagong lens). pero nung ikakasal na ako nitong nakaraang disyembre ay nagpa-'kulay' na sya ulit nang buhok. :) hehehe!

@ sardonic nell, salamat po... anything para sa aking minamahal na ina. :D

@ mrspartygirl, iki-kiss kita sa kanya sa linggo. :) may family lunch kami upang ipagdiwang din ang katatapos lang nilang ika-46th na anibersaryo noong mayo 6. ;) kapag umuwi ka nang pinas at dumalaw sa amin sa sucat, ibibilin ko na ipaghain ka nang isang masarap at mainit na sinigang! peborit dish ko yun kaya syempre sabit ako sa yo... hahaha!

@ dyes, ayus! salamat po ha... wish ko lang bigyan din ako nang ganyan (yung nahahawakan at naaamoy ko talaga ha) ng mahal kong esposo. matagal-tagal na rin mula noong huli nya akong binigyan nang rosas e. :(

@ kaje, tumpak ka dyan kapatid! salamat sa pagbisita.

@ thess, oo naman! nagmana ata sa akin?! hehehe. happy weekend sa iyo!

5/10/08, 1:40 AM  
Anonymous Anonymous said...

nakakatuwa naman ang iyong mommy... she has an obvious zest for life na kitang-kita sa kanyang mga pictures. may she be blessed with good health always :)

5/11/08, 4:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ang cute naman ng mga kuha nya! Gusto ko yung nakapamewang sya! Sana maging katulad nyo rin ako na mahilig magpalitrato. Hirap kasi pag ikaw ang kumukuha, lagi kang walang picture. LOL!

Happy Mothers' Day ke Mommy! :D

5/11/08, 6:01 PM  
Anonymous Anonymous said...

wow adventurer pala si mommy! :)

happy mom's day!

5/11/08, 10:46 PM  
Blogger Dragon Lady said...

@ star, salamat sa pagbisita at pag-wish sa aking mother dear. hindi ko sigurado kung ikaw ay isang nang ganap na ina ngunit hayaan mong batiin na rin kita at ang iyong mahal na ina nang isang mainit na 'happy mother's day!' :)

@ mommyba, maraming salamat rin sa pagbati sa aking ina! hayaan mong ikaw rin ay batiin ko nang isang maligayang araw nang mga ina. :) hehe, ang kewl nang nanay ko ano?! pumo-posing pa, hihi.

@ iris, korek ka dyan! in other words, 'lakwatsera' si mader! :P

5/12/08, 1:39 AM  
Anonymous Anonymous said...

belated happy mommy's day to your mom and advance happy birthday as well :)

5/14/08, 4:14 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home