L.P. #7: Umaapoy
Narito ang aking mga lahok sa linggong ito nang Litratong Pinoy. Mula pa noong isang linggo, iniisip ko na kung ano ang maaari kong kunan nang litrato na nagpapahiwatig sa tema ngayong Huwebes, "umaapoy."
Napagdiskitahan ko tuloy ang aming gas range sa bahay at pagkauwing-pagkauwi naming mag-asawa kagabi, ay nagpainit na kami nang tubig sa takure. Inihahanda na rin namin ang aming mainit na tubig para sa kape sa kinaumagahan... Ang apat na sumusunod na larawan ay mga kuha ko gamit ang aking 'maaasahang' camera phone. ;)
Medyo bagong bukas pa ang kalan....
Ipinihit ko sa pinakamalakas na apoy at kinunan ito nang malapitan :)
Hayan... mayroon nang nakapatong dito sa umaapoy na kalan! Ano nga ito?!
Tyaaa-raaaan!!! Walang iba kundi ang aming mahal na takure
na iniregalo sa amin noong aming kasal! :D
Matapos kunan ang mga ito at ma-download ang mga litrato mula sa aking cellphone, bigla kong naalala ang mga "luma" kong litrato na nagpapahiwatig din nang apoy.... Dali-dali kong hinalukay ang mga files sa aking My Pictures folder at sa wakas, nakita ang ilang litratong kuha ko noong isang taon (2007) sa Clark, Angeles, Pampanga.
Ang pagdiriwang na ito ay walang iba kundi ang Hot Air Balloon Festival na ginaganap tuwing Pebrero sa Clark Air Base. Kung hindi ako nagkakamali, pang-sampung taon na nang pagdaraos nito noong masaksihan namin noong nakaraang taon. :)
Narito ang ilang piling kuha gamit naman ang aking Sony cybershot digital camera....Tuwang-tuwa ako nang ma-timing-an ko ang pagbuga nang apoy mula sa pinaka-base nang nakadipa pang "balloon' na ito.... kaya pala tinatawag talaga itong 'hot air balloon'.... mainit na apoy ang binubuga upang "malagyan" nang hangin ang malaking lobong ito. :D
Heto pa ang isa kung saan kitang-kita at saktong nakuhanan ko ang malakas na pagliyab nang apoy mula sa mala-basket na base nang hot air balloon. Marami sila na nagtutulong-tulong upang malagyan nang hangin at tuluyang maitayo (at nang lumaon ay mapalipad o mapaangat man lang) ang mga hot air balloon na tulad nito. Bagaman tigil-apoy muna sa larawang ito, nais ko lamang ipakita na medyo lumobo na at nalagyan na nang mainit na hangin ang loob nitong makulay na 'lobo.' Nakakaaliw, hindi ba? At siyempre pa, narito ang isa sa mga ganap nang hot air balloon! :DInyong mapapansin na patuloy ang pagbuga nang apoy sa loob nito... ito ay para na rin mapanatili ang korte nang naturang 'lobo.' Kuha ko ito nang kinagabihan na at kasalukuyang ginaganap ang tinaguriang "Lights and Sounds Show" na sinasabing pinakatampok sa piyestang ito. Ayos ba ang napili kong huling larawan para sa lahok ko ngayong Huwebes sa LP?
Tunay na isang Tatak Pinoy rin ito, hindi ba? Hangad ko na tayong mga mamamayang Pilipino ay patuloy na magkaroon nang nag-aalab na pagmamahal sa ating dakilang bayan.... ang Republika ng Pilipinas!
Mabuhay tayong lahat!
26 Comments:
naisip ko rin ang gas range dahil maghapon ako nagluluto nuong isang araw at muntik na din akong maglahok ng galing sa hot air balloon fiesta (pero kuha ngayong taon)...hehehe
teka umuwi kayo ng gabi at inihanda ang tubig para sa kape kinaumagahan, eh di malamig na yun? nagtatanong lang po! :)
gandang huwebes!
Ganda ng apoy mula sa kalan ninyo at kulay asul pa! Sabi nila ito daw ang mas mainit na klase ng apoy kaysa sa dilaw.
Isang mainit na Huwebes sa iyo!
Buti ka pa at madaming nailahok ngayon, pinakagusto ko iyong litrato sa gabi ng hot air balloon! Gandang Huwebes!
kuha pala ng cellphone yung mga nauna ... sobrang linaw! :) Ganda nung hot-air balloon sa dilim
i love your shot of the hot air balloon! umaapoy nga!
magandang huwebes sa'yo!
wow!! gusto ko makpanood nyan sa subic! amahal lang kasi eh no?
happy thursday!
gas range din ang aking lahok sa linggong ito...hehehehe
pero old ang itsura nung akin...
happy huwebes...:)
Ah, sa gabi din kami nag-iinit para sa almusal :) Mabuting ayos na lahat, para hindi nagmamadali sa umaga.
Maligayang araw ng Huwebes sa iyo.
ganda ng kuha mo dun sa huling peechur! kaaaliw ang mga entries mo. feeling ko ay dinadala mo kami sa mga napuntahan mo na :)
uyyy, domesticated ka na? bukod sa mainit na tubig, ano pa ang niluto mo? hehehe :)
ang ganda nung last shot mo. nakakaantig ng damdamin. na-miss ko yang hot air balloon show. sana makapunta ako next year :)
see you next LP :)
Ang gaganda ng mga larawan! Lalo na yung kuha nung hot air balloon nung madilim na!
Magangdang Huwebes sa yo!
http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ummapoy.html
ganda mga subjects mo. gamit natin ang apoy sa pangaraw araw at sa libangan. something we sometimes take notice and even take for granted.
noon ko pa gustong pumunta sa clark para sa hot air balloon fest na iyan. sana next year. happy huwebes!
ang gaganda ng mga larawan mo ha... hi end siguro ang camera phone mo hehehe!! happy thursday po!
hey juds, i tagged you at http://yaneeps.blogspot.com/
would eagerly wait for your answers :)
Tunay na tatak Pinoy lahat ng larawan mo, nakakatuwa at may naka-akibat na kuwento (^0^)
ang ganda ng huling larawan, galing!
hanggang sa susunod na Huwebes!
"Tyaaa-raaaan!!!" Ang ganda ng kuha ng camphone mo.. malinaw na nakuha ung kulay. Tara na, magkape na tayo!
Maligayang Huwebes!
I like the third on the stove . . . not bad
ang ganda ng mga malalaking lobo! gusto ko ding sumakay sa ganyan. okey din ang kuha ng bumubugang apoy.
gandang 'webes sa iyo!
lovely photos... i've always wanted to try getting on the hot air balloon. but knowing me, i'm a scared cat. heheheh!
pinagdiskitahan ang gas range, haha! electric kami dito eh kaya wala akong chance makakuha ng ganyang subject.
pero yung hot air balloon pic pa palang panalo na eh, actually. :)
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...
wow! alam mo naisip ko din kuhanan ang apoy sa kalan! :) alam mo bang un takure na ganyan ay lagi ko nilalaro nun na parang bag! hehe.. ang cute kasi ng style pag naging bag siya.. hehe.. pinaka paborito ko un huling kuha mo sa balloon na may bandila ng Pilipinas!!! :)
Ang ganda naman ng litrato mo ng hot air balloon. Pangarap kong masakyan yan, ngunit sobrang natatakot lang ako baka kasi mahulog ako bigla mula sa langit... hehehe. Pag nagka-lakas loob ako, sigurado kukunan ko ng picture tapos ipapakita ko sa LP... hmmm, sigurado matagal na matagal pa iyon mangyayayri :)
ang linis ng iyong kalan! ang ganda ng kulay ng apoy at blue na blue talaga. at ang galing ng pagkuha ng litrato ng apoy para sa mga hot air balloons!
maligayang linggo sa iyo. :D
Apoy sa Langit
Apoy sa Keyk
maraming-maraming salamat po sa inyong pagbisita at pag-iwan nang mga komento sa aking mga lahok! :D
ipagpaumanhin po ang huling-huli ko nang pagsulat rito at ikinalulungkot ko ring sabihin na di ko muna maiisa-isa ang pagtugon sa inyong lahat, mga ka-LP....
sadya pong napaka-busy nang inyong lingkod mula nang mailahok ko itong mga 'umaapoy.' :(
nawa'y patuloy ninyong tangkilikin ang aking mga lahok at lubos din akong umaasa na mabisita kong muli ang inyong mga blog.
hanggang sa muli, mabuhay tayong lahat!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home