Thursday, May 29, 2008

L.P. #9: Ihip ng Hangin

Bumabawi ang inyong lingkod sa huli kong pagsumite nang lahok sa LP noong nakaraang tema. Kaya't narito ang ilang larawang nakunan ko taong 2005 at 2007 kung saan masasalamin ang 'ihip ng hangin'....

Kuha ko ito habang binabaybay ang isa sa mga 'freeway' sa California kasama ang aking kaibigan noong hayskul at kanyang mag-ama. Patungo kami sa Dublin mula sa Tracy.... Nang binalikan ko ang larawang ito, saka ko lamang napagtanto na ang ilan sa mga 'windmills' na ito ay tila mga nagkasira na? Bakit at paano kaya nangyari ang mga ito? Dahil kaya minsang lumakas nang todo ang ihip nang hangin??

Muli, bilang isang pasahero sa sasakyang ngayon naman ay minamaneho nang aking Ate, nadaanan namin ang mga 'windmills' na ito patungo namang San Jose, California. Sa bilis nang takbo nang aming sasakyan sa 'freeway' ay ikinagagalak kong makuhanan ang mga makinang ito na pinatatakbo nang ihip nang hangin. Epektibo raw ang mga ito sa pagbibigay enerhiya sa mga nasasakupang lugar.
Narito pa ang ilan sa napakaraming 'windmills' na aking nasaksihan sa kahabaan nang 'freeway.' Syempre pa, ang tanawing ito'y lubos na nakapagpapaalala sa akin nang ating mga 'windmills' sa gawing Ilocos Norte. :)

Dahil na rin sa pag-alaala nang Araw nang Pambansang Watawat (o 'National Flag Day'), ang mga sumusunod na larawan ay ibinabahagi ko sa lahat, lalong-lalo na sa mga kapwa ko Pinoy, bilang isang paggunita at pagsaludo sa ating angking talino at galing....

Ang watawat nang Pilipinas na pumapaimbulog sa bakuran nang ating Embahada sa Washington DC, USA
Sagisag nang kabayanihan nang mga kapwa Pilipinong naghahangad tumulong sa ating bansa sa pamamagitan nang pagtulong sa mga nagnanais na magkaroon nang sariling tirahan at mabuting pamumuhay. Bawat Pilipino, Bayani!
Gaano man kalakas ang ihip nang hangin, ang watawat na ito'y mananatiling sagisag nang ating mahal na Republika nang Pilipinas!


Sana'y naibigan ninyo ang aking mga munting lahok ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy.


Magandang araw sa lahat at ako'y 'excited' na sa ating napipintong LP salu-salo! :D

24 Comments:

Blogger  gmirage said...

Hindi ako magsasawang tingnan ang mga litrato ng windmills! Happy LP!

5/29/08, 4:43 AM  
Anonymous Anonymous said...

Baka nga di kinaya ng mga windmills ang malakas na hangin... grabe talaga ang hagupit ng kalikasan paminsan, ano? Makes us realize our nothingness in the grander scheme of things.

Happy Huwebes!

5/29/08, 6:11 AM  
Anonymous Anonymous said...

parang yan din siguro yung nadaanan naming mga windmills papuntang SF. :)

5/29/08, 6:19 AM  
Anonymous Anonymous said...

ang daming watawat at windmills! happy LP!

5/29/08, 7:23 AM  
Blogger docemdy said...

Pareho tayo. Windmills din ang lahok ko! Ang dami naman nyan! Dito sa Pilipinas, kayang kayang bilangin.

5/29/08, 7:45 AM  
Blogger lidsÜ said...

gandang-ganda talaga ako sa watawat ng pilipinas!
magandang huwebes sa'yo!

5/29/08, 7:55 AM  
Anonymous Anonymous said...

naalala ko nung nagpunta kme ng yosemite national park, ganyang tanawin din ang dinaanan namin, maraming windmills... happy huwebes... :)

5/29/08, 8:43 AM  
Anonymous Anonymous said...

ang ganda talaga ng windmills! hapi webes!

5/29/08, 9:01 AM  
Anonymous Anonymous said...

iba't ibang pagsasalarawan ng ihip ng hangin ang iyong ipinakita. ang dami. magandang araw ng Huwebes sa iyo.

5/29/08, 9:46 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ganda ng mga larawan mo!

Magandang Huwebes sa yo kaibigan! :)

5/29/08, 11:19 AM  
Blogger Dyes said...

ayos sa mga lahok ah! at ang galing ng kuha mo sa bandila!

happy hwebes!

5/29/08, 11:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

dami ulit windmills:D Flag day nga pala kahapon, kaa ang daming nakawagayway na bandila:D

5/29/08, 11:43 AM  
Anonymous Anonymous said...

gusto ko talaga makakit ang ganitong windmills, meron na dito sa atin sa bandang norte yata pero ang layo naman.. sarap kasi kunan ng litrato dahil nakakamangha.

happy huwebes

5/29/08, 11:46 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ang gaganda ng mga entry mo pero nakakaantig ng damdamin ang mga watawat.

Magandang Huwebes sa iyo :)

5/29/08, 12:28 PM  
Anonymous Anonymous said...

Pang ilang windmills na larawan na ito pero hindi nakakasawang pagmasdan! at nakaka homesick din ang mga watawat.

Magandang Huwebes Bb. Dragon_lady :)

5/29/08, 2:33 PM  
Blogger sweetytots said...

ganda ng kuha... maligayang huwebes!!!!!!!

5/29/08, 4:58 PM  
Blogger ScroochChronicles said...

dapat talaga maglagay ng maraming windmills dito sa Pinas para maka-generate ng kuryente. lalo na ngayon at ang mahal talaga!!

happy LP sa iyo!

http://scroochchronicles.blogspot.com/

5/29/08, 8:35 PM  
Anonymous Anonymous said...

magandang subject talaga ang windmills no? :)

happy thursday!

5/29/08, 9:12 PM  
Blogger Tes Tirol said...

uy pareho tayong windmills :) ang ganda nilang tignan ano lalo na kung ang dami dami

happy LP!

5/29/08, 9:46 PM  
Anonymous Anonymous said...

mukhang madami na kayong nakakakuha ng windmills diyan sa US :) galing!

5/29/08, 10:15 PM  
Anonymous Anonymous said...

hello babaeng dragon, hehe! hindi kaya magkasama tayo nung binabaybay ang freeway sa CA dahil pareho tayo ng subjects na inilahok sa LP? hehe!

bawing-bawi ninang judy! :)

5/30/08, 12:48 AM  
Blogger Ambo said...

Pareho tayo ng entry pero ang sakin sa Pinas naman kuha. Nice entry! Happy weekend!

5/30/08, 1:56 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang gaganda ng mga lahok mo. yung windmills sa ilocos pa lang ang nakita kong windmills. maganda din kasi nasa tabi ng dagat. parang nasa futuristic movie ang dating :)

magandang LP!

5/30/08, 11:13 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang gagandang windmills! di nakakasawang tingnan! sa tingin ko rin kasi sila ang isa sa pinaka-angkop na gawing subject para sa tema ngayong linggo :)

nakakatuwang malaman na talagang marami tayong makikitang magagandang tanawin pag tayo eh bumibyahe by land. at marami ring oportunidad para kumuha ng litrato :)

happy weekend!

5/31/08, 1:13 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home