Huli man daw at magaling, naihahabol din??!
Tsk, tsk, tsk.... nahuli nang isang linggo ang aking mga lahok sa Litratong Pinoy para sa temang TUBIG. Nais ko ring ipagpaumanhing muli sa mga katotong bumisita sa aking nakaraang lahok ang di ko pa pagsilip sa inyong mga larawan. Sadya pong napakaraming gawain sa aking bagong trabaho nitong nakaraang dalawang linggo. Sisikapin ko po kayong mabisita sa darating na mga araw. :) Ang mga susunod na larawan ay iba't ibang interpretasyon ko sa tema nang LP noong nakaraang Huwebes, ika-22 nang Mayo. Ang lahat ay mula sa aking "baul" nang mga kuhang litrato mula taong 2005 (kung saan una akong nagkaroon nang digital camera).... maliban po lamang sa unang larawan na kuha ko kamakailan lamang gamit ang aking camera phone. ;)
ANG IBA'T-IBANG ANYO NANG TUBIG
Isang nakauuhaw na hapon matapos ang dalawang oras na 'Board meeting'
Kuha mula sa loob nang aming pribadong bus habang nililibot namin ang lugar nang Charleston, South Carolina
Mas malakas na patak nang tubig-ulan mula sa bintana nang aming kuwarto sa Jury's Hotel, Dupont Circle nang Washington DC
Uuyy! 'Waterworld'.... isa sa mga atraksyon sa loob nang Universal Studios, Los Angeles, California. Kasama kong lumibot dito ang isang mabuting kaibigan mula pa noong hayskul na si Richard ~ na nakabase na sa Amerika.
Sa 'loob' nang Waterworld set/show.... kitang-kita ang hagupit at hampas nang tubig, hindi ba?
Hehehe... bakit nga ba di ko nahalungkat ang larawan na ito sa temang 'Umaapoy'? May tubig na, may apoy pa! :)
Teka... ano naman ang 'kasayahan' o 'kaguluhang' ito??!
Hindi po sila nagra-'rally'.... masayang-masaya lamang na nagpapabasa mula sa tubig nang 'fire truck' matapos ang ilang araw na pagkakabilad sa arawan habang nagtatayo nang mga bahay sa isang GK Village sa bayan nang Goa, Camarines Sur.
Ang mga 'bumbero'
Bata o matanda, lalaki o babae, lahat nagsasaya sa dulot na presko nang tubig!
Minsan ko nang naisulat dito sa aking blog ang paborito kong lugar na ito sa University of South Carolina (Columbia, SC)
Mahilig talaga akong kumuha nang mga 'water fountain'.... ang isang ito'y kuha ko mula sa aming pribadong bus habang nililibot ang siyudad nang Los Angeles, CA.
2 Comments:
Magaling, magaling! Kung pawisin ang kamay ko e baka kanina pa basang basa ang kanang kamay ko sa pag-i-scroll sa mga larawan dito!
Ang daming katubigan niyan:D waterworld? si bruce willis ang naaalala ko, hehehe.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home