L.P. #10: Pag-iisang Dibdib
Narito ang aking mga lahok sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes. Naaliw na naman ako sa 'paghalukay' nang aking 'baul' nang mga litratong nakuhanan ko magmula nang ako'y magkaroon nang sariling digital camera.
Bakit nga ba kakaiba ang saya na nadarama kapag nakakakita tayo nang mga magsing-irog na nagiisang-dibdib? Narito ang mga larawan nang mga nasaksihan kong kasalan mula 2005 hanggang taong kasalukuyan.
Namamasyal kami sa Palace of the Fine Arts sa San Francisco nang masulyapan ko ang gaganaping Garden Wedding na ito. Nakakaaliw dahil bagama't isang maliit na grupo lamang ang nagsipagdalo, iba't ibang lahi ang mga bisita rito.
Bridal bouquet toss (kakaiba ang damit pangkasal n'ya, hindi ba?)
Ang Pag-iisang Dibdib sa Palace of the Fine Arts, San Francisco
Sina Elvin at Maila sa altar nang Calereuga
Ang Pag-iisang Dibdib sa Palace of the Fine Arts, San Francisco
Sina Elvin at Maila sa altar nang Calereuga
Sa wakas, ang pag-iisang dibdib nang kapwa ko kamag-aral noong hayskul!
Ito na ang pinakamatinong kuha ko sa kasal nang aking pinsan na si Ate Aleth kay Kuya Jinky. Ako kasi ang kanilang Maid of Honor kaya medyo abala ako sa kanilang pag-iisang dibdib.
Sina Chie (aking pinsan) at JJ ay kapwa magkamag-aral pa noong hayskul. Naging magkasintahan sila noong nasa kolehiyo na ata. Hindi kataka-taka na ang napili nilang lugar nang reception ay ang memorableng Paco Park sa mga taga-Masci na tulad ko. ;)
Ang pinakapaborito kong kuha sa lahat nang larawang nakuhanan ko sa mga kasalan! :D
Ang pinakapaborito kong kuha sa lahat nang larawang nakuhanan ko sa mga kasalan! :D
Sina Jonas at Kathy sa Paco Park (haha, matapos ang isang linggo ay naririto na naman muli ako!) kung saan idinaos ang seremonya nang kanilang pag-iisang dibdib sa St. Pancratius Chapel.
Sina Raymond at Xian sa Naga Cathedral
Sina Raymond at Xian sa Naga Cathedral
Matapos ang seremonya nang kasal, nasaksihan ko ang pagpapalipad nila nang mga lobo... hindi ko alam ang kahulugan nang maaaring tradisyon na ito.
Ang pag-iisang dibdib nang kamag-aral ko noong hayskul na si Chini sa matagal na niyang kasintahan na si Xian. Ang kasalan ay naganap sa Nuestro Senora de Gracia.
Sina Pizza at Jay sa altar nang St. Therese Chapel. Si Pizza ay dati kong estudyante noon sa La Salle. Siya rin ay isang mabuting kaibigan at kabiruan. :)
Ang pag-iisang dibdib nila Phil at Tin. Si Tin ay estudyante ko rin noon at kamag-aral rin sya ni Pizza sa kursong Psychology noong kolehiyo.
Sina Colin at Maricar kasama ang kanilang flower girls matapos ang seremonya nang kanilang pag-iisang dibdib. Si Maricar ay nakilala ko sa W@W at naging isang mabuting kaibigan.
Nakisabay ako sa pagkuha nang litrato sa kanilang opisyal na potograpo. Kuha ko ito sa kanila noong pauwi na kami ni Eric. Ang kasalan ay naganap sa Fernbrook Gardens.
Sina Colin at Maricar kasama ang kanilang flower girls matapos ang seremonya nang kanilang pag-iisang dibdib. Si Maricar ay nakilala ko sa W@W at naging isang mabuting kaibigan.
Nakisabay ako sa pagkuha nang litrato sa kanilang opisyal na potograpo. Kuha ko ito sa kanila noong pauwi na kami ni Eric. Ang kasalan ay naganap sa Fernbrook Gardens.
PANGHULI, narito ang dalawang larawan na bagaman ay hindi kuha nang aking mga lente, ay nais kong ibahagi sa mga ka-LP. ;)
Kuha ni Paul Vincent de los Reyes, ang aming opisyal na potograpo.Maligayang araw at buwan nang pag-iisang dibdib sa lahat!!!
15 Comments:
naks! pwede ka ng maging wedding photographer :) ang ganda ng iba-ibang anyo ng wedding na ipinakita mo :) at syempre, ang pinakamasaya ay yung sa yo!
napakadaming larawan ito na iyong ibinahagi. ako ay natuwa doon sa may mga lobo...napaka ganda! maraming salamat.
Happy LP!
ang dami mo nang kasal na napuntahan! maligayang huwebes! :)
Andaming larawan! Salamat sa pag-share mo ng maliligayang mga ngiti ng iyong mga kaibigan, pati na din ikaw :)
Maligayang Huwebes.
the last one is my favorite...ang saya ninyong dalawa.
yung nuestra senora de gracia..dun din ako kinasal :)
Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
ang daming litrato ng pag-iisang dibdib...
magandang huwebes sa'yo!
napakaraming kasalan yan... hindi ba magastos? LOL
Daming kasalan ah:) Ganda nung altar sa calaruega, astig:D
bakit wala yung kasal namin ni dyes dito? haha!
ang daming kasalan na nadaluhan mo, ang dami mo na rin sigurong damit na pang-formal (o nire-recycle mo rin tulad ko? :D). nalungkot ako at na-miss ko ang kasal ni raymond... dapat sana magkasama tayong dumalo niyan! :)
at higit sa lahat, gustong-gusto ko ang mga litrato niyo ni eric, lalo na yung photobooth, ang kulet!!! :D
ang daming kasalan nun! :) mapapansin mo talaga sa lahat ng wedding photos, ang ganda lagi ng bride :)
Wow! Andaming massayang alaala!
ayos ah, dami ring lahok... pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)
great collections of photos....
Ang ganda ng pagkakapakita mo ng mga litrato..nakakatuwang tingnan:)
dragonessa, finally nakahanap ako ng proxy na nakikita din ang mga pictures. hehehe.
pansin ko sa mga US weddings kokonti ang guests. sa atin minimum of 100 ata e, hahaha ;-)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home