L.P. #8: Tubig
Huli man daw at magaling, naihahabol din??!
Tsk, tsk, tsk.... nahuli nang isang linggo ang aking mga lahok sa Litratong Pinoy para sa temang TUBIG. Nais ko ring ipagpaumanhing muli sa mga katotong bumisita sa aking nakaraang lahok ang di ko pa pagsilip sa inyong mga larawan. Sadya pong napakaraming gawain sa aking bagong trabaho nitong nakaraang dalawang linggo. Sisikapin ko po kayong mabisita sa darating na mga araw. :)
Ang mga susunod na larawan ay iba't ibang interpretasyon ko sa tema nang LP noong nakaraang Huwebes, ika-22 nang Mayo. Ang lahat ay mula sa aking "baul" nang mga kuhang litrato mula taong 2005 (kung saan una akong nagkaroon nang digital camera).... maliban po lamang sa unang larawan na kuha ko kamakailan lamang gamit ang aking camera phone. ;)
ANG IBA'T-IBANG ANYO NANG TUBIG
Kuha mula sa loob nang aming pribadong bus habang nililibot namin ang lugar nang Charleston, South Carolina
Mas malakas na patak nang tubig-ulan mula sa bintana nang aming kuwarto sa Jury's Hotel, Dupont Circle nang Washington DC
Uuyy! 'Waterworld'.... isa sa mga atraksyon sa loob nang Universal Studios, Los Angeles, California. Kasama kong lumibot dito ang isang mabuting kaibigan mula pa noong hayskul na si Richard ~ na nakabase na sa Amerika.
Mas malakas na patak nang tubig-ulan mula sa bintana nang aming kuwarto sa Jury's Hotel, Dupont Circle nang Washington DC
Uuyy! 'Waterworld'.... isa sa mga atraksyon sa loob nang Universal Studios, Los Angeles, California. Kasama kong lumibot dito ang isang mabuting kaibigan mula pa noong hayskul na si Richard ~ na nakabase na sa Amerika.
Sa 'loob' nang Waterworld set/show.... kitang-kita ang hagupit at hampas nang tubig, hindi ba?
Hehehe... bakit nga ba di ko nahalungkat ang larawan na ito sa temang 'Umaapoy'? May tubig na, may apoy pa! :)
Teka... ano naman ang 'kasayahan' o 'kaguluhang' ito??!
Hindi po sila nagra-'rally'.... masayang-masaya lamang na nagpapabasa mula sa tubig nang 'fire truck' matapos ang ilang araw na pagkakabilad sa arawan habang nagtatayo nang mga bahay sa isang GK Village sa bayan nang Goa, Camarines Sur.
Ang mga 'bumbero'
Bata o matanda, lalaki o babae, lahat nagsasaya sa dulot na presko nang tubig!
Minsan ko nang naisulat dito sa aking blog ang paborito kong lugar na ito sa University of South Carolina (Columbia, SC)
Mahilig talaga akong kumuha nang mga 'water fountain'.... ang isang ito'y kuha ko mula sa aming pribadong bus habang nililibot ang siyudad nang Los Angeles, CA.
Tubig mula naman sa 'fountain' nang Paco Park... isa ito sa pinakapaborito kong kuha sa mga koleksyon ko nang mga larawan nang 'water fountain' :D
Narito pa ang isa... Kuha ko ang mga ito habang nagre-'reception' sa kasalan nang aking pinsan. Pababa na ang araw nang mga oras na ito.
Isa sa mga makasaysayang 'canal' ~ ang C&O Canal ~ sa Georgetown, Washington DC. Naranasan ko ang sumakay sa isa sa mga 'canal boats'... isa sa mga sinaunang paraan nang pagbibiyahe sa lugar na ito lalo pa't kapag patungo sa Potomac River.
Ang malinis at asul na tubig-dagat/lawa(?) nang Monterey Bay sa California
Nami-miss ko ang mga-knee/wakeboarding sa CamSur! Kuha ko ito sa isang kaibigan nang simulan na niya ang isang 'round' nang kneeboarding sa CamSur Watersports Complex. Kakaiba ang naibibigay na 'hype' sa akin nang bawat hampas nang tubig at hangin habang ine-'enjoy' ko ang isport na ito. :D
Ang aking mga pamangkin dito sa Pilipinas (maliban kay LJ na di nakasama sa bakasyon naming ito) ay walang sawa sa pagtatampisaw sa malinis at malinaw na tubig-dagat nang Boracay... keber kung gaano pa katindi ang sikat nang araw!
Maligayang LP sa lahat!!!
2 Comments:
Magaling, magaling! Kung pawisin ang kamay ko e baka kanina pa basang basa ang kanang kamay ko sa pag-i-scroll sa mga larawan dito!
Ang daming katubigan niyan:D waterworld? si bruce willis ang naaalala ko, hehehe.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home