L.P. #11: Kalayaan
Ngayon ay ipinagdiriwang sa bansang Pilipinas ang 'Araw ng Kalayaan.'
Kapag ako ay nagkakaroon nang pagkakataon, kinukuhanan ko ng litrato ang ating pambansang watawat saan mang dako ko ito makita. :-) Kaya naman ngayong araw na ito, naisipan kong huwag nang lumayo pa mula sa aking kinaroroonan. Isang palapag lamang pababa mula sa aking 'work area' ay mababanaag ang tanawing ito....
Makailang hakbang pa mula nang kunan ko ang unang litrato, binagtas ko ang direksyon nang balkonahe....
Malapitan kong kinunan ang simbolo nang ating pagiging malaya bilang mamamayang Pilipino. Lumalakas ang ihip nang hangin at nagsisimula na ring kumulimlim ang panahon bagama't tanghaling tapat nang kunan ko ito.
Hindi ba't tunay na kaygandang pagmasdan ang ating pambansang watawat, taglay ang tingkad nang mga kulay bughaw, pula, puti at dilaw?
Bago ko tapusin ang lahok ko ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy, nais kong ibahagi ang isang maikling akda mula sa Tagalog na Wikipedia:
"Ang Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay ginanap noong Hunyo 12, 1898, kung saan idineklara ng mga Pilipinong rebolusyonaryo sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo (na naging Unang Pangulo ng Pilipinas) ang soberanya at kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya matapos matalo ang mga ito sa labanan sa Look ng Maynila sa Digmaang Espanyol-Amerikano.
Ang deklarasyon ay hindi kinilala ng Estados Unidos at Espanya. Pagpapatunay ito nang ilipat ng pamahalaan ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa Kasunduan sa Paris, para sa halaga ng mga salaping nawala sa digmaan.
Kinilala lamang ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan noong Hulyo 4, ngunit dahil sa nasyonalismo at sa payo ng mga eksperto ng kasaysayan ng bansa, ang Batas Republika Blg. 4166 ay nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964, na naglipat ng Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 sa Hunyo 12."
23 Comments:
hindi ba't napaka-ganda talaga ng ating watawat?
magandang huwebes sa'yo!
Tunay namang maganda ang ating watawat,kaygandang pagmasdan lalo na kapag ito'y bahagyang isinasayaw ng hangin...naks! tila nagiging makata na ako.
Maligayang araw sa iyo Judy :)
sa malayuang shot sabi ko sa sarili ko, parang ang haba naman ng watawat...yun pala wala sa flag pole. maganda ang pagkakakuha ng larawan
Alam mo kapag napapadaan ako sa mga lugar na may naka-display na mga watawat ng iba't-ibang bansa, nangingibabaw ang watawat natin sa ganda!
Salamat sa pagpapaalala sa akin 110 years na pala tayong ganap ng lumaya.
Magandang Huwebes sa iyo!
tamang tama naman na nasa balkon din ang watawat...Happy LP!
LIDS, sang-ayon ako sa iyo! magandang huwebes din sa yo, kaibigan. :)
NONA, bagay naman sa iyo ang pagiging makata! hehe. maligayang araw din po!
HIPNCOOLMOMMA, maraming salamat po. happy huwebes :)
THESS, walang anuman po. maraming salamat din sa pagbisita, hanggang sa muli!
MIRAGE2G, tumpak ka dyan! buong taon atang nakasabit dito sa gusali ng opisina ang ating watawat. :)
aba ayos nasa tabi mo lang pala ang lahok mo!
nge! tama ka nagulat nga ko! :D di ka lang isang makabayan kundi maka-pbsp... (mali...adik sa pbsp!!!!). :D
maganda talaga at lagi kong itinuturo sa mga anak ko pag amin itong nakikita sa daan
happy lp!
ayos ang kuha! ok ang perspective. :)saang lugar pala ito?
tulad ng mga naunang nagkomento, maganda ang ating watawat at maganda ang iyong larawan. yan din ang balak kong ilahok pero wala akong makuhaan dito. magandang araw sa iyo!
Naaalala ko na aliw na aliw ako noong tinuturo sa paaralan ang ibig sabihin ng mga kulay, araw at bituin sa ating bandila. Maganda nga talaga ang ating watawat. Salamat sa pagpapaalala!
Ang galeng nga pagkakakuha mo ng larawan! Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
nice capture... happy LP...
CES, oo nga... bababa lang ako nang isang palapag at viola!!!
SEM, salamat sa una mong komento! sana ay may mga susunod pa. :) mas malapit ang lugar mo sa tanawing kinunan ko nang litrato. hehehe.
TEYS, maraming salamat at naibabahagi mo ang pagiging makabayan sa iyong mga anak. :) mabuhay ka!
AYEN, salamat po! ang lugar ng aking lahok ay matatagpuan dito sa gusali nang philippine business for social progress (pbsp), intramuros, maynila.
DANG, natutuwa ako at nagustuhan mo ang aking lahok. salamat rin sa iyong pagbisita. isang magandang araw rin sa iyo!
TONI, walang anuman. :) ikinagagalak ko ang iyong pagbisita sa aking mga lahok. happy LP!
BUGE, salamat! salamat! maligayang LP rin sa iyo, kaibigan. :)
LINO, salamat po. isang karangalan ang mapuri nang isang 'propesyonal' na potograpong tulad mo. hehehe!
Maganda, napakakulay ng ating watawat :)
maganda ang ating watawat, bukod tangi sa lahat.
swak na swak ang pagka sentro ng watawat sa pinto :)
Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
favorite ko yung first shot, parang nagsisimbolo ng kalayaan sa dulo ng mahabang corridor ng kadiliman (na nararanasan ng ating bansa ngayon) naks! :)
MyMemes: LP Kalayaan
MyFinds: LP Kalayaan
Nakakatuwa kapag may watawat sa gusali o bahay. Sana mag kaugalian natin na magsabit ng watwat sa harap ng bahay lalo na kapag araw ng kalayaan... mas patriotic kasi ang dating.
Maligayang LP!
JULIE, sang-ayon ako sa iyo. happy weekend! :)
MOUSEY, i second the motion! haha. happy LP!
CHRISTINE, salamat po. iyon din ang pinakagusto kong litrato. :)
MEEYA, maraming salamat sa iyong matalinghagang komento! paborito ko rin yung unang litrato. ;)
LEAPSPHOTOALBUM, korek ka dyan! nakakaaliw nga na 'all-year round' itong watawat na ito na nakalagay sa balkonahe nang aming gusali. :D
gusto ko rin yung unang litrato.. ang dramatic kasi ng effect ng perspective na iyon. :)
IRIS, lubos akong sumasang-ayon sa iyo. :) have a good week ahead!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home